by Arnel Medina

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/04/03/1802322/ice-cream-dessert-sa-texas-halos-isang-milya-ang-haba

LIBU-LIBO ang nag-volunteer sa isang festival sa Texas upang mabuo ang isang record-breaking na panghimagas na umabot ng halos isang milya ang haba.

Namangha ang mga dumalo sa Spirit of Texas Festival nang makumpleto na ang 4,549 talampakan at 3.36 pulgadang sundae na nakuha rin ang titulo bilang pinakamahabang ice cream dessert sa mundo.

Ginamitan ang sundae ng 500 gallon ng ice cream, 300 gallon ng chocolate at strawberry syrup, 2,000 lata ng whipped cream, 25 pounds ng sprinkles, at 20,000 cherries.

May kinatawan ng Guinness World Records sa lugar upang masiguradong magkakadugtong ang mga ice cream at binubuo ito ng isang tuluy-tuloy na linya.

Matapos makumpirma ang pagtatala ng bagong world record ay nilantakan na ng 4,000 katao ang record-breaking na ice cream, na mukha namang masarap dahil tumagal lamang ng 30 minuto bago ito naubos.

Read more at https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/04/03/1802322/ice-cream-dessert-sa-texas-halos-isang-milya-ang-haba#GhpurCc60X5d4YTx.99

HOMELEND A HANDNEED A HOTEL?FAQsBLOGSPRESS & MEDIA